Saturday, May 28, 2011

circus: the photobooth

POOF PHOTOBOOTH
www.poofphotobooth.com
0917-8924888

rating: 4

na-experience ko ang POOF nung mother's day last year sa edsa shangri-la. may meron photobooth sa labas ng resto. naaliw ako kasi touch screen siya saka pede ka pa bumili between two lay-outs. kinuha ko sila for my mommy's 50th birthday saka sa binyag ni jayla kaso fully booked sila. buti ngayon na-accommodate nila ako. sila ata ang unang supplier na na-book ko for the party.

i got their 3 hour POOFsuper package. shempre unlimited prints, kasama ang customized lay-out, customized backdrop, props & wigs tapos may unlimited frames & magnets, 100 bagtags and leather guest book.

may choice ka rin if ang gusto mo is yung usual paparazzi wall or yung photo me type na papasok sila sa booth. yun ang pinili ko. tapos hindi na rin ako nagpagawa ng backdrop, yung polka-dotted curtain nalang. tapos double strip ang printing para yung isang strip sa guests, pede nilang gawing magnet or bagtag. yung isa naman ididikit sa guest book tapos lalagyan nila ng dedication. nag-enjoy naman ang guests. siguro ilang beses ko tiningnan yung guest book pag-uwi ng bahay. haha!

almost perfect ang rating ko sa kanila. ok ang service nila and mababait ang technicians. yung 1 point na kulang eh dahil sa may slight delay mag-acknowledge sa e-mails and texts. pero very good sila :)

circus: the cake

ESTREL'S CARAMEL CAKES
www.estrels.com
(02) 372.2965 / (02) 371-7938

rating: 5

nung tinanong ako ni sir ronald of 4th wall kung iha-highlight yung cake. saka ko lang naisip na kailangan ko umorder ng magandang birthday cake for jayla. siyempre kelangan maganda yung cake para sa blowing of the candle. nagsearch ako ng supplier ratings na gawa ng fellow n@wies para makakuha ng idea kung san pede magpagawa ng themed cake, kaso yung nakita ko. hindi ako ma-accommodate.

the owners of estrel's caramel cakes happen to be our relatives. kaya hindi mawawala ang estrel's cake sa lahat ng events namin. lagi nila nireregalo nalang ang cakes na inoorder namin kaya minsan, dahil nga regalo, shempre hindi ako makapagrequest kung ilang layers, anong design, lalo na kung hindi talaga nila usual na ginagawa. nahihiya ako :/ eh this time, i was really willing to pay kasi may specifications ako na i want a 3 layered cake, na circus themed. nag-quote naman ng price yung ninang ko. pero nung malapit na yung event, sinabi niya na gift na daw niya yun kay jayla. nagbase sila sa invitation para sa design.

i'm so happy and thankful sa cake. effort yung animals and meringue cupcakes. plus all layers are edible, walang styro. masarap lahat sa cake, icing (mapacaramel o marsh mallow icing), plus yung chiffon o marble cake. woohooh!

thank you to my navarro titas! next year ulit. hehe!

circus: the caterer

K by CUNANAN
www.kbycunanancatering.com
contact: kar reyes (ae) 0917-8199466

table set-up

adult tables

kiddie tables
(throw pillows provided by my venue stylist)

rating: 4

may accredited caterers sa light of love. nung nakita ko sa gallery yung set-up pictures ng k by cunanan, nagustuhan ko yung lowered tables for kids. dahil dun nagdecide ako na sila na ang kukunin ko. hindi ko naman nila first time mag-cater samin kasi nung 49th birthday ng mommy ko, sila rin kinuha ko. kaya alam ko na masarap yung food nila.

sa centerpiece, i chose balloons instead of flowers. hindi kasi ako nagpa-balloon decor kasi may hanging pompoms na ako. nung wala pa ako sa venue, nagtext si on-the-day coordinator ko na hindi siya happy sa centerpiece. bilang expert sila sa balloon decor, pero okay naman daw ang over all look ng venue. sabi ko nalang baka hindi na mapansin na hindi maganda ang centerpiece. ayun, dedma naman :) may nag-uwi parin. haha!

food

si kar, accommodating as ever, sa kanya na ako dumirecho. nage-mail siya sakin ng merienda buffets for kiddie parties and yung lunch/dinner menu nila. dahil sa sobrang daming events ni kar medyo nahirapan ako magpa-sked ng food tasting. conflict ang sked namin. nung finally may food tasting na kami, nakalimutan ko pa! last minute ko naalala nung paalis na ako sa bahay papuntang office! hay. pagod and puyat ako nung araw na yun. ang ganda ng house :) i chose their merienda buffet # 2. pinalitan ko lang yung cheese tempura tapos nagdagdag ako ng 2 dishes :)

four cheese penne with bacon bits

buffalo chicken drumsticks
with sour cream dip

dory fish sticks with
teriyaki & honey mustard sauce

pork barbecue

chicken a la king in
mini puff pastry shells

chocolate cupcakes

nung food tasting palang nabusog na ako. kaya okay na sa akin ang merienda buffet. si mommy ko naman gusto niya magdagdag pa ng isang spread na pedeng pang dinner. kasi daw baka daw maghanap yung guests ng rice. siya dapat pipili ng menu kaso na-hospitalize siya. nakalabas siya 2 days before the party na. kaya biglang ako na ang pinapili niya. dun na ako pumili sa best sellers nila kasi wala na akong time for food tasting. ms kar assured me naman na the guests will enjoy sa dinner menu that i chose.

roast beef with mashed potato cakes
& creamed spinach

baked shrimp and salmon in cream

japanese rolled chicken, cheese & leeks
with teriyaki glaze

mixed fruit compote

panna cotta with mango
and strawberry

rating: 5

ayan. no photo of the steamed rice and caesar's salad. nung party mismo napansin ni mommy na iisa lang daw ang kulay ng dishes na napili ko. hanggang ngayon sinasabi parin niya sakin yun. hindi na siya nakaget-over. hay :)

i love their food! lalo na yung four cheese penne and buffalo drumsticks. nag second serving ako nung food tasting. kahiya diba? pero masarap talaga.

yung roast beef was supposed to be imported beef pero dahil late na ako nagconfirm ng choice dinner menu, hindi na pumayag yung supplier nila. ayaw kumita. kaya local beef nalang ginamit nila. hindi ko pa natikman yung US roast beef nila kaya hindi ko nacompare, pero na-notice ng friend ko, na madalas k by cunanan ang caterer, yung difference. color palang daw. siya na ang food critic. haha! hello kheem!

okay ang servings nila. hindi kami nagkulang sa food. may dishes na naubos pero marami parin kaming nauwi. based sa food na naubos and nauwi, feeling ko mas nag-enjoy yung guests sa merienda buffet. or baka mas marami lang talaga pumila dun. :/

i could've chosen a better combination ng dishes for the dinner menu. minus rating yun for me as the planner. hehe! pero over-all, i'm happy!

HENRY'S CATERING SERVICE
www.henrys.ph

hindi dalawa ang caterer ko. nagdagdag lang si mommy ng famous dish na lagi niyang dala kapag potluck ang handaan. tried and tested kumbaga. ubos lagi siya. hindi pedeng hindi. and totoo naman, kahit madami ng handa eh naubos parin.

check their website. masarap ang selections nila and maganda ang buffet packages. may themed packages din sila hindi mo na kelangan mag mix and match. they own ken afford in katipunan ave pala.

lengua with mushrooms

rating: 5

nagdagdag din si mommy ng fresh lumpia from elarz. na naubos rin kaya wala kaming uwi :/ hehe.

circus: the venue

TRUST HALL
LIGHT OF LOVE EVENTS PLACE
www.lightoflove.com.ph
contact: dexter que (ae) 0917-5191114

siguro many of you will agree with me, isa sa pinakamahirap gawin while planning an event is yung pagpili ng venue. meron akong 6 requirements na palaging cinoconsider kapag naghahanap ako ng venue:

1. air-conditioned : at kelangan malamig ang aircon. nahihiya ako kapag may nakikita akong guests na nagpapaypay. at isa pa, dahil nga hindi ako sexy, madali akong pawisan. ayaw ko naman magmukhang hulas sa pictures.

2. ample parking : alam natin kung gano ka-hassle magpunta sa isang event na mahirap ang parking. ayaw ko naman ibigay sa guests yung hassle na yun.

3. 250-300 pax capacity : kahit hindi aabot sa 250 to 300 ang guests ko. mas okay sakin yung malaking venue para maluwag at hindi mahihirapan mag-ikot ang guests and kumilos ang waiters.

4. clean restrooms : hindi ko na 'toh eexplain. lahat tayo gusto natin yan.

5. guest room : gusto ko may kumportableng lugar para bihisan at mag-ayos. lalo na kiddie party. kapag kinailangan magchange ng diaper o matulog ni jayla at ng iba ko pang pamangkin, at may safe na pag-iiwanan ng mga gamit.

6. accessible : eto minor requirement lang naman kasi naniniwala na ako na if you really matter to the guests you invited, darating at darating sila kahit san pa ang event mo.

para sa event na ito, nagdagdag ako ng isang requirement:

7. high ceiling : dahil sa circus/carnival ang theme ko. gusto ko ng venue na may high-ceiling. gusto ko kasi ma-achieve yung interior ng big top.

ang hirap maghanap ng venue na kumpleto ang pitong yan.

i learned about light of love events place nung nasa main office ako ng hizon's for a food tasting. wala pa kasi akong reception venue that time kaya kumuha ako ng brochures na nandun. nag-inquire din ako sa kanila for my mom's 50th birthday party last year kaya nasakin na ang rates ng halls nila. dexter was very accommodating and mabilis siyang sumagot. kaso may kamahalan kaya naghanap pa ako ng iba. nakapencil book lang ako sa kanila ng walang deadline.

nag-inquire naman ako sa oasis manila, kaso may evening event na. so dapat lunch party ako and tapos na ako by 3pm para makapagset-up yung susunod na event. alanganin. nag-inquire din ako sa the big tent in don antonio. excited pa ako while looking at the venue pics in multiply. kasi akma yung name ng venue sa theme ko. kaso nung nagpunta ako dun for an ocular, nagsabi naman ako sa staff nila na darating ako, biglang walang tao sa office, may naka-post na "for inquiries, please call 0917 kiyeme.." nag-ikot na rin ako to check on the venue. yung cr, maliit lang at hindi mashado malinis, or siguro nung araw lang na yon. may stock room or dressing room sila na pede ko gawing changing room ni jayla. kaso walang parking. and sabi sakin ng ninong ko na dun nakatira sa area, nagco-cause daw ng traffic ang events dun kasi wala ngang parking. buti nalang pala walang staff dun. kung hindi siguro na-sales talk na ako.

may mahahanap pa siguro ako na mura and kumpleto ang requirements ko kaso less than 2 months before nalang yun at wala na akong oras maghanap dahil kelangan ko na ipagawa yung invites. so go na ako sa light of love events place. i chose "trust" hall.

trust hall, without set-up
(photo from their website)

trellis leading to the halls & office

trust hall entrance

trust hall, with set-up
(capacity: 450 pax)

rating: 4

halos lahat ng guests ko, first time makapunta sa light of love at halos lahat din sa kanila, hindi alam na may events place palang nagtatago dun. maganda yung place, lalo na kapag gabi. para sakin mas pang wedding or formal events siya kesa kiddie parties.

super lamig ng aircon ng halls. kita niyo naman sa first photo kung gano kadami ang aircon. kahit yung mommy ko na binantaan ako na subukan ko daw na mahina ang aircon, eh hindi nilamig. hindi naman nahirapan magpark ang guests saka malinis ang rest rooms and madaming cubicles.

may courtesy room din kaso lang free lang daw ito for weddings & debuts. ano naman kaibahan nun sa birthday party diba eh kelangan din naman ng bata ng kwarto. oh well. hindi ako nanalo sa pinopoint-out ko kaya chinarge nila ako ng presyong hotel sa pag gamit ng courtesy room. may charge din sila kapag hindi accredited ang photobooth & drapes mo, saka for power tap per food cart. yun lang naman ang medyo minus points factor para sakin.

pero okay naman ang over-all experience ko with them. pinayagan pa nila ang stylist ko magset-up the whole day before kasi walang event. si dexter was there during the event. yung ibang a.e's kasi mag-aassign nalang ng tao na magbabantay, pero andun siya. mas nauna pa kami umuwi kasi binantayan niya pati egress.

happy ako with the venue kasi naging perfect siya for my theme. kung uulit kami dun, pag-iisipan ko pa. depende sa ipon. hehe!

Sunday, May 30, 2010

heaven by your side: when i gave birth to jayla sophia

my estimated due date was may 23, 2010. pero dahil sabi nila na kapag first pregnancy daw pedeng 2 weeks before or 2 weeks later than the due date ka manganak. so may 1 palang, inaabangan na namin ang paglabas ng first baby namin. nagkaron ako ng false contractions, siguro 2 madaling araw yun, pero hindi naman umabot na nagpunta ako sa hospital at pinauwi ulit ako dahil wala pa pala.

sabi ko kapag hindi pa ako nanganak ng may 1, may 8 or 10 na ang gusto kong date. eh wala parin. sige may 14 nalang. wala parin. basta gusto ko even number :) may 16, may check-up ako sa ob ko. hindi parin nag-open ang cervix ko pero numipis na siya ng 50%, good sign daw yun. maglakad-lakad parin daw ako para matagtag.

movie nights sa eastwood, pasyal ng mga pamangkin sa trinoma, may mineet sa mall of asia, attend ng baby shower ng pinsan ko.. kung san san kami nagpunta ni jaypee para maglakad. :)

may 20, bumalik ako kay doc. sumama na si mommy kasi kahit siya nagwo-worry na ma-stress si baby sa loob ng tiyan ko.. 39 weeks & 4 days na kasi ako nun. pagka-internal exam sa akin.. sa wakas. 2cm na ako. nagwork ang paglalakad namin ni jaypee. hehe. after ng check-up ko sumama ako kay mommy sa work para makapaglakad-lakad ako sa abs-cbn compound. dumalaw na rin ako sa taping ng banana split kasi ilang months na rin akong nagstop sa work. birthday ng kuya badji ko nun kaya inaantay ko rin kasi kung magiging ka-birthday siya ng baby ko. wala. nakakainip mag-intay.

may 22.. eto na.. dahil hirap ako makatulog dahil sa heartburn, every 2 hours ako nagigising sa madaling araw. mga 5:00am, pumutok yung water bag ko. pero hindi ako nagpanic. hindi ko rin agad ginising si jaypee. nag internet pa ako para maging sure na water bag nga yun. sinunod ko yung nabasa ko sa internet. nagrelax pa ako, mga 6:00am na ako bumangon. tapos ginising ko na si jaypee saka si mommy. naligo ako. tapos habang naliligo si jaypee, nag last minute impake ako ng gamit namin ni baby.

on the way sa st. luke's medical center sa quezon city (gusto ko sana sa st. luke's sa global kaso ayaw ng ob ko kasi kulang daw ang residents dun, sayang, mas mura pa naman ang rooms duon.. hehe..), nagutom si mommy. kaya nag breakfast muna kami sa mcdonald's sa may e. rodriguez. isang breakfast sausage saka hashbrown lang kinain ko. para lang di ako magutom. so dun ako nagpipigil ng contractions. hehe. pagdating sa st. luke's dumirecho na kami ni mommy sa high risk pregnancy unit, dun kasi ang order ni doc eh. yung yaya namin nasa admissions tapos si jaypee nagpark. naligaw pa kami ni mommy kasi ni-renovate na pala yun. pagdating ko dun tuloy tuloy na. 5cm na ako. nagpalit na ako ng gown at kinabitan ng fetal and monitor for my contractions.. si mommy nag-asikaso ng room ko, si jaypee stayed with me.

mga 4:00pm, ininternal exam ako, 6-7cm na daw ako.. dumating na rin si daddy para silipin ako dun. binigyan ako ng pang-induce saka ng sedative para makatulog ako. kapag sedated na pala ang patient, bawal na ang bantay. so iniwan na ako ni mommy & jaypee. medyo nainis lang ako kasi sinusubukan kong matulog pero may isang intern na napakalakas ng ring tone ng phone at kahit nagco-contract ako eh mag internal exam siya. groar. siya pa may hawak ng remote sa unit ko at talagang naglilipat siya ng channel at naglalakas ng volume. pasalamat siya mahina ako para magtaray.

fast forward after 10 hours of labor... hindi na ako nagprogress after 7cm. kaya nagdecide si doc na i-cs na ako. mga 6:20pm pinatawag na si jaypee & mommy sa hrpu para sabihin ni doc. nahihirapan na rin kasi ako, 4 times ako nagsuka. nung okay na ang usapan, kinausap na ako ng anesthesiologist sa kung anong gagawin sakin. tapos dinala na ako sa operating room.

mabilis na ang pangyayari, hindi ko na ata na-feel yung injection sa likod ko... pero gising ako.. inaalis ko pa yung oxygen kasi di ako makahinga. at 7:18pm, lumabas na si baby :) narinig ko na yung iyak niya. tapos pinapasok na si jaypee. pina-breast feed na rin siya agad sa akin. ang sarap ng feeling nung nakita ko na si baby. hindi nga lang malapelikula yung reaction ko na umiyak-iyak. napapikit lang ako. dilat na dilat na siya. nagpicture picture kami dun. tapos pagkalinis kay baby.. dinala na siya agad ni doc sa labas para makita ng mommy, daddy at ate ko. sila lang ang pinayagan pumasok. yung mga kuya ko nasa room ko nalang :c jayla weighed 8.5 lbs and 48 cm or 18 inches ang haba niya :) big baby kaya hindi ko kinaya. hehe.

after nun dinala na ulit ako sa recovery room. mga 11:30pm na ako inakyat sa room ko. kelangan kasi mataas mo na both legs mo bago ka i-akyat. nakaya ko naman. pag-akyat sa akin sa room, andun lahat sila nag-aantay sa akin. asawa ko, mommy, daddy, mga kuya ko, sister-in-law ko at ate ko :) inantay lang nila ako dun tapos nag-uwian na rin sila except for jaypee, shempre. nung kami nalang ang nasa kwarto. saka lang ako naiyak. feel ko ang sobrang love and support ng pamilya ko sa akin at shempre, lumabas na ang baby namin. si jayla sophia :)


thank you, Lord, for this experience. i realized the lesson na sa bawat hirap na pagdadaanan mo, may magandang mangyayari. and si jayla yun :)

Sunday, February 21, 2010

the first time ever i saw your face: in my womb experience

nung 27th week ko na ng pregnancy, sabi sakin pede na daw makita ang mukha ni baby via 4d ultra sound. and dahil walang 4d sa clinic ng ob ko, i went to in my womb in sm marikina with my sister-in-law, valerie.

wala pa yung doctor on duty nung nagpunta kami, balik nalang daw kami after 30 minutes kaya nag merienda muna kami sa mcdonald's saka nagpunta sa department store baby section para tumingin tingin ng gamit. binigyan na rin kasi ako ng go signal mamili ng gamit para sa aming darating na baby girl. habang tumitingin kami, nagtext na yung taga in my womb na andun na daw si doc. mabuti naman kasi napigilan ako mamili. hehe.

i availed their "pearl package" na p2,800. 3o minutes session yun. lahat chineck ni doc. kung kumpleto ang organs, yung gender, biniro pa ako na lalake daw.. haha.. yung water ko. saka yung heartbeat. grabe naiyak ako nung narinig ko yung heartbeat ni baby. sayang talaga wala si jaypee nun. may room para sa companion mo. parang gallery. pede ka rin magpagawa ng music video ni baby na gumagalaw sa loob ng tummy mo. pero p4,000 yung package nila na yun. okay na ako sa pictures. hehehe.

tulog si baby and nakatakip ang mukha kaya siguro 3 photos lang ng face niya ang nakita. kinailangan ko bumalik within 2 weeks para i-check kunan ulit ng picture si baby. bumalik ako dun mag-isa, since malapit lang si jaypee sa area tinext ko siya if pede niya ako puntahan para makita niya si baby. nakasalang na ako nung dumating siya. nakikinig sa kanya si baby kaya nag-cooperate naman si baby at hindi na nagtakip ng mukha. pero tulog parin.

eto yung mukha ni baby. ibang klase ang feeling na makita yung face niya talagang totoo na i'm about to bring a new life in this world. nagtatalo pa kami kung sino ang kamukha. hehe.

thank you, Lord, for this blessing :)

Sunday, February 14, 2010

on this day: my wedding story

it's valentine's day today. our fifth valentine's together. our first as a married couple.

jaypee and i were supposed to get married december 18 this year. it's our date. we started searching and booking for suppliers 7 months after he proposed. i didn't know december was a peak month for weddings. so gulat na gulat ako na may mga naka-book na sa venues na gusto namin.

nagstop ang preparations nung september dahil sa ondoy. nabasa lahat ng files ko. then october came, sa astoria kami naka-stay nun kasi nga parang nasunugan ang bahay namin sa damages, nagkasakit ako. 1 week akong hindi nakapasok. and then, i found out i was pregnant. hay. jaypee was very happy. ako? mixed emotions. nalungkot ako kasi may plans na kami, hindi pa na-antay, pero masaya ako kasi magkaka-baby na kami. naging madali naman yung pagsabi ng news sa parents ko kasi nandyan yung ate ko na willing manguna para sa akin :) tinanggap naman nila dahil nasa edad naman na kami, at sinuportahan nila ako. i'm very thankful for that. nung tinanong kami ni mommy about our plans, hindi ko talaga alam. gusto sana namin antayin na manganak na muna ako and we'll push through with the december 2010 wedding, pero hindi pumayag ang pastor ng church namin. para daw ma-consider na blessing ang bata, we have to get married soon.

it was impossible for us to get suppliers for december 18, 2009. peak month ang december. tinawagan ko lahat ng na-book ko ng suppliers and may event na sila. so yung date na pinili namin is january 18, 2010. buti okay most of my suppliers and dahil monday siya pumatak, wala akong kasabay na event sa blue leaf kaya we were able to get the bigger pavilion than what we originally booked.

sobrang ngarag kasi we had less than 3 months to prepare for our wedding. tapos buntis pa ako kaya ayoko mashado magpa-stress. rush ang invites, rush ang delivery, but with the help of all my supportive suppliers (ratings on my next post), we were able to pull it off.

eto na, eto na yung araw na inaantay namin: january 18, 2010

siguro dahil sa kaba, at ngarag, mga 4:00am na ako nakatulog.. i remember texting my coordinator, ms jody, na kelangan magpadagdag ng chairs sa caterer. ang reply niya was "matulog ka na!" haha. pagdating ng 6:00am, nung palalim na yung tulog ko, may nag-door bell sa kwarto, nagdeliver ng regalo. hay. haha! wala akong beauty rest :) dahil 6:00am na ako nakatulog eh di ako nagising sa wake-up call kaya nagising ako ng 9:00am sa door bell ng hair stylist! kaya ligo agad ako. after ko maligo, sunod sunod na ang mga pangyayari at nagdadatingan sa kwarto ko. sunod sunod na rin yung mga tumatawag at nagte-text na hindi makakarating. hmph!

di na kami bumaba ng kapatid ko para avail ang free breakfast. pina-akyat nalang ng coordinator ko sa room. kaya multi-tasking talaga kami. kain habang pedicure. haha.

nasa isang floor lang kami ni jaypee pero di ko alam kung anong nangyayari sa kanya. basta tinext niya ako nung start na ang pictorial niya dun sa kwarto niya. sinabi ko nalang sa isa sa assistants ng coordinator ko na magdala ng food sa kwarto ni jaypee para di sila magutom:)

pagdating namin sa church, medyo kinabahan ako kasi ang laki ng parking tapos wala mashadong naka-park. di ko naalala ang filipino time. hehe. so maaga pala ako. ayoko magpa-iwan sa maid-of-honor ko sa kotse kasi naiiyak na ako sa kotse palang..

nung nakatayo na ako sa tapat ng pinto. hay. di ko na kinaya. umiiyak na talaga ako sa labas palang. kaya pagbukas ng pinto at pagtawid ko sa smoke effect eh ambilis kong maglakad papunta sa parents ko at major hagulgol talaga ako. ni hindi ko na nga nakita yung facial expression ni jaypee habang papalapit ako. natawa nalang ako kasi hindi kami nagkasya tatlo sa aisle dahil sa lamp posts na decor. naging masaya naman ang flow ng ceremony. may tawanan at meron ding iyakan. at dahil maliit lang ang church, napuno siya ng guests kaya masaya talaga kami. kahit madaming tao hindi mainit kasi okay ang aircon ng church. dagdag pa sa sobrang kasiyahan namin, si mr. gary valenciano ang wedding singer namin. 3 songs ang kinanta niya. :)



nung reception, dahil nga umulan earlier eh hindi nagawa yung plan mala red carpet event na may flashing lights sa guests na pumapasok sa pavilion. pero yung stylist namin nilagay yung flashing lights along the carpet kung san kami maglalakad sa reception kaya maganda na rin ang naging effect. medyo nagkaron din ng problem sa table assignments kasi hindi ko siya natapos the night before. may mga guests kasi na hindi nag rsvp tapos dumating kaya walang naka-assign na table sa kanila. pero na-handle naman yun ng coordinators ng hindi namin alam. nung nasa lounge kami ni jaypee, tahimik lang kami kasi nakakaramdam na kami ng pagod, pero pagpasok namin at nakita namin lahat ng dumating na family and friends, and na nage-enjoy sila, nasabi namin na it was a well-attended and successful wedding na pinangarap ko.

after our the event, pagbalik namin sa hotel, nagyaya si daddy na magpunta sa resort world para mag midnight snack. kahit pagod na kaming lahat, nagpunta kaming mag-asawa, with my ate, mommy and daddy dun and nagkwentuhan tungkol sa mga nangyari sa wedding over dimsum and noodles.

for a sneak peek of our wedding day, here's our onsite video.


video